Bakit mahalaga ang Bakuna sa Measles o Tigdas. “German Measles o Rubella” at “Poliomyelitis o Polio”

Bakit mahalaga ang Bakuna sa Measles o Tigdas. “German Measles o Rubella” at “Poliomyelitis o Polio”

MEASLES O TIGDAS

Karaniwang komplikasyon:

  1. Impeksyon sa tainga (1:10)
  2. Permanenteng pagkabingi
  3. Pagtatae (1:10)

Malubhang Komplikasyon:

  1. Pulmunya (1:20) ang pangunahing dahilan ng kamatayan lalo na sa mga bata.
  2. Encephalitis o pamamaga ng utak (1:1000)
  3. Kumbulsyon
  4. Mahina ang ulo
  5. Prematurity at mababang timbang pagkasilang

Pangmatagalang komplikasyon:

Subacute sclerosing panencephalitis – progresibo at nakamamatay na sakit sa utak dulot ng sakit na tigdas.

RUBELLA O GERMAN MEASLES

Congenital Rubella Syndrome – kondisyon ng ipinagbubuntis na may sakit na Rubella kung saan ang ipinagbubuntis ay magkakaroon ng mga:

Karaniwang Komplikasyon sa ipinagbubuntis na bata:

  1. Pagkabingi
  2. KATARATA
  3. SAKIT SA PUSO
  4. MAHINA SA KUKUTI
  5. Pagkasira ng spleen at atay
  6. Mababang timbang pagkasilang
  7. Sikal pagkasilang

Hindi pangkaraniwang komplikasyon:

  1. Glaucoma
  2. Pagkasira ng utak
  3. Thyroid and other hormone problems
  4. Pamamaga ng baga

POLIOMYELITIS O POLIO

Post-polio syndrome – mga kondisyon na magaganap sa mga batang nagkaroon ng sakit na polio TULAD NG:

  1. Panghihina at pagliit ng mga muscles (atrophy) na nagiging sanhi ng pagkapilay
  2. Mental and physical fatigue

MGA DAHILAN KUNG BAKIT PATULOY NA DUMARAMI ANG NAGKAKATIGDAS:

  1. MABILIS NA PAGLIPAT O PAGHAWA NG TIGDAS DUON SA MGA MATATANDANG HINDI PA NAGKAKAROON NG TIGDAS O HINDI NAGPABAKUNA NUONG SILA AY BATA PA AT MABILIS NA MAISALIN SA MGA BATANG DI PA PWEDENG BAKUNAHAN.

GAANO PO BA TALAGA KABILIS MAKAHAWA ANG SAKIT NA TIGDAS?

  • KUNG IKAW AY WALANG BAKUNA, O ISA LAMANG ANG BAKUNA MO LABAN SA TIGDAS, MAPA BATA KA MAN O MAPA MATANDA, IKAW AY MAGKAKAROON NG TIGDAS SA AYAW MO AT SA GUSTO. KAPAG IKAW AY NAGKA-TIGDAS, MAARI MO ITONG MAISALIN SA 12 HANGGANG 18 KATAO NA WALANG BAKUNA O HINDI PA NAGKAKAROON NG TIGDAS

  1. PAGDAMI NG MGA BATANG DAPAT SANA AY PINABAKUNAHAN NUONG SILA AY MALILIIT PA, subalit “BUSY O WALANG PANAHONG PUMUNTA SA HEALTH CENTER O BARANGAY HEALTH STATIONS ANG MGA MAGULANG”.

  1. NATAKOT SANHI NG DENGVAXIA, NA PARA-PARAAN LAMANG UPANG MAY MAIDAHILAN. (ANG MEASLES VACCINE AY NADISKUBRE NOONG DEKADA SISENTA AT MATAGAL NG GINAMIT UPANG MAIWASAN ANG MGA KOMPLIKASYON AT PAGKAMATAY SANHI NG SAKIT NA TIGDAS) SUBALIT MAS PINAPANIWALAAN NINYO ANG IBA AT HINDI ANG LOKAL NA KAWANI NG PANGKALUSUGAN SA INYONG LUGAR DAHIL BA SILA AY DUKTOR,NARS,MIDWIFE O BARANGAY HEALTH WORKER AT HINDI NAKIKITA SA TELEBISYON O NARIRINIG SA RADYO?

  1. AYAW PABAKUNAHAN ANG MGA ANAK DAHIL SA PANINIWALANG RELIHIYON O PANIWALANG PILOSOPIKAL NG MAGULANG, LOLO AT LOLA, MGA-KAANAK AT MGA KAPIT-BAHAY, NA ANG BAKUNA AY MAGDUDULOT LAMANG NG PINSALA SA KANILANG MGA ANAK. PWEDE RIN PONG MAY NABASA SA SOCIAL MEDIA, AT DAHIL MARAMI ANG NAG LIKE AT NAG-SHARE AY PINANIWALAAN NINYO.

  1. SA IBA DYAN, NA IKINAHIHIYANG DALHIN SA HEALTH CENTER ANG KANILANG MGA ANAK AT PANG PRIVATE PEDIATRICIAN O MEDICAL CENTERS ANG ESPESYAL NILANG SUOLING, TAMA NA PO, ISIPIN PO NINYO ANG KAPANAKAN NG INYONG MGA ANAK. LUNUKIN ANG PRIDE!

PARA PO SA MGA WALANG PAKUNDANGANG MGA MAGULANG O SABIHIN NA PO NATING MGA IRESPONSABLE, NA KAPAG NAGKAKASAKIT ANG KANILANG MGA ANAK AY UMAASA NA LAMANG SA KAPITAN NG KANILANG BARANGAY, HATID PA NG BARANGAY PATROL SA OSPITAL AT MAY ABOT PANG TULONG PINANSYAL, PERO MAY PANGBILI NG ALAK AT SIGARILYO ARAW-ARAW ANG TATAY NG MGA ANAK MO, MAGMUNI AT MAG-ISIP DIN NAMAN PO KAYO. MARAMING SALAMAT AT PAUMANHIN KUNG NASALING NAMIN ANG INYONG BALAHIBO. PUMUNTA SA PINAKA MALAPIT NA HEALTH CENTER O VACCINATION SITE UPANG MABAKUNAHAN ANG INYONG ANAK. MAGBAGO NA PO TAYO!