Nais kong bigyang-diin sa artikulo kong ito na ang bawat Filipino ay marapat lamang na bigyang halaga ang kanilang kalusugan. Noong nakaraang taon, napansin ko ang pagbigat ng aking katawan, pagdagdag ng aking timbang at pagiging sakitin.
Matapos ang kaliwaāt kanang handaan, pagdiriwang at events na aking pinupuntahan at sa dami ng aĀking ginagawa sa trabaho, hindi ko na napapansin ang sunud-sunod kong pagkain. Kaya naman, hindi nagtagal ay binago ko ang aking lifestyle.
Ako ay naging conscious sa aking pagkain. Nagbigay ng oras para mag-ehersisyo. At naging mahigpit sa oras ng aĀking pagtulog, pagkain at ehersisyo. Kaya naman, sa ngayon, matapos ang isang taon ay ang laki na ng ibinaba ng aking timbang. Hindi na ako madalas magkasakit at manghina. Mas marami na ang aking nagagawa at mas humaba ang oras natin sa pagseserbisyo.
Ang kalusugan ay kayamanan ng bawat mamamayan. Kaya naman hindi biro ang isyung pangkalusugan na kinakaharap ng ating bansa ngayon. Ito ang isyu ng Dengvaxia o ang bakuna na sana ay naĀging solusyon para sugpuin ang lumalalang kaso ng dengue sa bansa. Ngunit imbes na maging solusyon ito, naging dahilan pa ito ng paglala ng sitwasyon kaugnay sa dengue.
Ang Dengvaxia Vaccine Project ay ipinatupad sa buong bansa sa panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III. At sa maagang bahagi ng kanyang termino ay minadali ang pagpapatupad ng proyektong ito. Umabot sa halagang P3.5B ang budget ng DOH, sa ilalim ni dating Secretary Janette Garin, na inilaan dito para makabili ng 3M doses ng nasabing bakuna.
Taong 2016, lumitaw ang mga insidente ng sunod-sunod na pagkakasakit ng mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine. Ang mas nakalulungkot pa, mayroon na ring mga namatay dahil dito. Hindi nakaligtas ang Lalawigan ng Cavite sa insidenteng ito. Bagamaāt maliit lamang ang bilang ng mga nabakunahan na umabot sa 371 kabataan, mayroon pa ring 3 ang naiulat na namatay dahil sa Dengvaxia vaccine ang naitala ng Cavite Provincial Health Office.
Hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Provincial Health Office sa bawat bayan at siyudad ng lalawigan dahil hindi pa lahat ng mga barangay ay nasuri na. Ako ay nananaĀwagan sa mga kababayan nating CaviteƱo na agad ipagbigay-alam sa kinauukulan ang anumang insidente na may kaugnayan sa Dengvaxia vaccine.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang paglilitis sa antas ng nasyonal kung sino ang dapat na managot dito. Nagtuturuan ang mga sangkot. Hindi dapat ipagwalang-bahala ang isyung ito. Kinakailangan ay may managot dahil buhay ng mga batang Filipino ang nailagay sa panganib dahil sa kapabayaan na ito. Kailangang makamit ang hustisya ng lahat ng mga naging biktima nito.
Ako ay lubos na naniniwala na sa pamamagitan ng agarang-aksyon ng mga lokal na pamahalaan, katuwang ng mga Barangay Health Units sa buong lalawigan ay agad nating malulutas at maaagapan ang papalalang isyu ng Dengvaxia dahil saā¦āNagkakaisang Cavite, walang imposible!ā
Kaya mga kababayan, alagaan ang inyong mga kalusugan dahil Pinoy, ikaw ang idol ko!
SUPPLY AND DELIVERY OF VARIOUS SUPPLIES FOR USE IN THE PROVINCIAL INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY OFFICE