Likas sa ating mga Filipino ang pagiĀging mapagmahal at mapagpatawad. Pero iba pa rin ang pakiramdam na dala ng Kapaskuhan sa ating mga puso.
Taon-taon,Ā ipinagdiriwang ng mga Filipino ang pagsilang sa ating tagapagsalba na si Hesukristo.
Sama-sama ang mga pamilĀya at sabay-sabay na pinagsasaluhan ang Noche Buena. Bawat isa ay may dalang regalo para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Nitong nagdaang Kapaskuhan, ikinagulat at ikinatuwa ng Āaming pamilya na pansamantala naming makapiĀling ang aming ama na si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sa bahay namin sa Cavite isang araw bago ang Araw ng Pasko.
Tatlong Pasko rin ang nagdaan nang hindi namin kapiling ang Āaming ama dahil sa pagkaĀbilanggo niya sa Camp Crame.
Ngunit, ngaĀyong taon ay pinaĀyagan siyang makalabas ng ilang oras oras para kami ay makasama.
Tulad ng mga ordinaryong pamilyang FiĀlipino na nagdiwang ng Pasko, sa wakas kami ay muling nakumpleto.
Para kaĀming mga anak ng isang OFW na matagal na panahong nawalay sa aming mga magulang dahil sa pagtatrabaho.
Tulad nila, ilang Pasko, birthday, graduation, binyag at Bagong Taon ang dumaang hindi namin siya nakakasama.
Iba ang saya na dulot ng pagdalaw ni Sen. Bong sa mga Kabitenyong nakita siya at nakasalamuha. Naniniwala ako na higitĀ pa dito ang kasiyahanĀ na naramĀdaman ni Sen. Bong.
Napakainit na sinalubong ng mga Kabitenyo ang muling pagbabalik niya sa lalawigan.
Malaki ang naitulong ng pagdalaw ni Sen. Bong sa amin dahil muli itong nagbigay ng lakas ng loob at tiwala na hindi magtatagal ay makakalaya na rin siya.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga nagmamahal sa aking ama, gayundin sa aming pamilya.
Kaya naman, sa bahagi ng aking inang si Mayor Lani Mercado-Revilla, mga kapatid, mga kamag-anak at mga Kabitenyong nagmamahal sa aking ama, ako ay nagpapaĀsalamat sa inyo!
Naniniwala ako na malalagpasan natin ang lahat ng ito at tuluyaĀn nang makakapiling ang ating mahal na Sen. Bong.
Patuloy ang aking panawagan sa aking mga kababayan na huwag itigil ang pagdarasal para sa tuluĀyang paglaya ng akingĀ ama dahil sa NAGKAKAISANG CAVITE, WALANG IMPOSIBLE!
Isang maligayang Pasko at masaganang Bagong Taon sa inyong lahat!
PRINTING AND BINDING OF LEGISLATIVE DOCUMENTS FOR USE OF THE OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLALAWIGAN